(Disyembre 02, 2016)
May mga linggo sa buhay mo na hindi mo na matukoy kung alin ang totoo at alin ang panaginip, na tila mas totoo ang panaginip kaysa katotohanang nasasaksihan ng mga mata mo.
Unti-unting natutunaw ang pader na naghihiwalay sa mga ilusyon at mga katotohanan.
Sabado, Disyembre 3, 2016
Martes, Nobyembre 1, 2016
Undas
(Nobyembre 01, 2016)
May mga undas na hindi ka patatahimikin ng mga ligalig na kaluluwa ng kapitbahay. Paulit-ulit na aalingawngaw sa iyong pandinig ang koro ng Tatlong Bibe na katatapos lamang nilang kantahin sa bidyoke. Pakiramdam mo, mayamaya, may iba ka pang ipagluluksa bukod sa nangamatay mong mga kamag-anak at kaibigan.

Mayamaya, pakiramdam mo, ipagluluksa mo na ang iyong katinuan.
Sabado, Oktubre 29, 2016
Time Travel
(Oktubre 29, 2016)
May mga madaling-araw sa buhay mo na pansamantala kang mahihilo at magta-time travel ang kamalayan. Aakalain mong Nobyembre na at magigitla kang mapapansin na Oktubre pa rin ang mga petsang nakatatak sa excel sheet na ini-edit mo. Magpa-panic ka at madaliang papalitan ang mga Oktubre ng Nobyembre, hanggang sa matauhan ka at mapagtantong hindi ka naman pala talaga nag-time travel noong mga sandaling iyon at tama naman na Oktubre pa rin talaga.

Siguro, may naligaw lang na kung anung compound sa Lipovitan na iniinom mo kanina.
Burador
(Oktubre 27, 2016)
May mga madaling-araw sa buhay mo na kahit naghahabol ka ng oras sa trabaho, may isang sulok ng utak mo na hindi pinatatahimik ng mga nangyayari sa paligid mo at mapapasulat ka ng burador ng isang tula.

Piano Tiles
(Oktubre 17, 2016)
May mga madaling-araw sa buhay mo na maglalaro ka ng Piano Tiles hindi para aliwin ang sarili kundi para pagurin ang mga mata at utak dahil kelangan mong gumising nang maaga sa umaga.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)